Ngayon ay magagawa na ninyong online na magparehistro upang makaboto sa estado ng California. Magagawa rin ninyong online na alamin ang katayuan ng inyong pagpaparehistro bilang botante sa sistema ng County. Ito'y mabilis at madali!
Mga Iniaatas sa Pagpaparehistro ng Botante:
Upang makaboto sa isang halalan sa California, ikaw ay dapat na nakarehistrong botante.
Bilang residente ng County ng Los Angeles, ikaw ay maaaring magparehistro upang makaboto kung ikaw ay:
- Isang mamamayan ng Estados Unidos.
- Hindi kukulangin sa 18 taong gulang o mas matanda sa o bago ang Araw ng Halalan.
- Hindi ipinasiyang walang kakayahan ang isipan ng isang hukuman ng batas.
- Ikaw ay hindi:
- Nagsisilbi ng panahon na pambilangguan ng estado para sa isang napatunayang malaking pagkakasala sa isang kulungan ng County na nasa ilalim ng kontrata sa pagitan ng pang-estado at lokal na mga opisyal.
- Nasa parol/probasyon para sa isang napatunayang malaking pagkakasala bilang isang kondisyon ng paglaya mula sa bilangguan/kulungan
Magagawa mong magparehistro upang makaboto kahit kailan. Ngunit sa California, ang huling araw upang magparehistro upang makaboto para sa isang halalan ay 15 araw bago ang bawat lokal at pambuong-estadong halalan. Tingnan ang Kalendaryo ng Halalan sa ilalim ng Mga Darating na Halalan para sa mga partikular na petsa.
Kailangan ng porma ng pagpaparehistro ng botante sa ibang wika? Ang RR/CC ay nagkakaloob ng mga porma ng pagpaparehistro ng botante sa 10 magkakaibang wika bilang pagsunod sa pederal at pang-estadong mga batas: Tsino, Hapon, Ingles, Hindi, Khmer, Koreano, Kastila, Tagalog, Thai at Biyetnamis. Upang humiling ng mga materyal sa halalan sa iba't ibang wika, tumawag sa 1 (800) 481-8683.