Mga Manggagawa sa Halalan sa Komunidad
Ang mga Manggagawa sa Halalan ay may mahalagang tungkulin sa halalan at sa ating demokrasya. Sila ay mga pinagkakatiwalaang miyembro ng komunidad na tumutulong sa personal na karanasan sa pagboto sa buong County ng Los Angeles.
Interesado sa paglilingkod sa iyong komunidad? Mag-aplay para maging isang Manggagawa sa Halalan ngayon.
Mga kwalipikasyon
Upang maging isang Manggagawa sa Halalan sa County ng Los Angeles, ikaw ay dapat na:
- 18 taong gulang o mas matanda (maliban kung nakikilahok sa Programa ng Estudyante na Manggagawa sa Halalan)
- Isang mamamayan ng U.S. at nakarehistro para bumoto sa California O isang Legal na Permanenteng Residente
Ang mga Manggagawa sa Halalan ng nakakapagsalita ng dalawang wika ay lubos na kailangan!
Alam mo ba na ang RR/CC ay nagbibigay ng tulong sa wika para sa 18 wika bilang karagdagan sa Ingles sa County ng Los Angeles? Maaari mong tulungan ang mga botante sa iyong komunidad sa pamamagitan ng pagiging isang Manggagawa sa Halalan kung nagsasalita ka ng anumang karagdagang mga wika.
MAG-APLAY NGAYON
Maaari ka ring mag-aplay upang maging isang Manggagawa sa Halalan sa pamamagitan ng koreo o nang personal gamit ang isang papel na aplikasyon.
Mga Tungkulin at Pananagutan
- Dumalo sa pagsasanay ng manggagawa sa halalan
- Tumulong sa pagbubukas/pagsasara ng Sentro ng Pagboto
- Tumulong sa pagproseso ng mga botante sa buong araw
- Sagutin ang mga tanong ng botante
- Maglingkod sa loob ng 10 araw
Mga Benipisyo sa Paglilingkod bilang Manggagawa sa Halalan
- Gampanan ang isang kritikal na tungkulin sa demokratikong proseso
- Kumita ng $100 bawat araw na paglilingkod sa isang Sentro ng Pagboto
- Kumita ng $80 sa pagkumpleto ng lahat ng kinakailangang pagsasanay
Mahalagang Impormasyon Tungkol sa Mga Manggagawa sa Halalan
Ang Mga Manggagawa sa Halalan ay dapat sumunod sa mga legal na paghihigpit na ipinataw sa kanila kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga kautusang pagpipigil, mga paghihigpit na ipinataw sa mga rehistradong mga nagkasala sa sex, o anumang iba pang pagbabawal o limitasyon sa kanilang presensya sa mga lokasyon ng pagboto at dapat na ipaalam kaagad sa County kung sila ay pinagbabawalan mula sa paglilingkod sa kanilang nakatalagang lokasyon ng pagboto.
Kung kailangan mo ng tulong ng Manggagawa sa Halalan, tumawag sa (800) 815-2666, opsyon 7.
Mga Mapagkukunan
Panoorin ang Pagsasanay sa Halalan ng May Kapansasanan ng County ng L.A. County sa Senyas na Wika ng Amerika
Panoorin ang Pagsasanay sa Halalan ng May Kapansasanan ng County ng L.A. County na may mga pagsasalin sa ibat’-ibang wika (tingnan ang mga pagtatakda para sa lahat ng magagamit na wika).