Ang Pangkat ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante ay nagkakaloob ng maraming serbisyo para sa lahat ng mga komunidad sa County ng L.A. Ang ilan sa mga kilalang ginaganap ay:
Mga Kampanya sa Pagpaparehistro ng Botante
Ang mga kampanya sa pagpaparehistro ng botante ay ang pinakakaraniwang uri ng mga ginaganap para sa pangkat ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante. Ang mga kubol o mga mesa ay inihahanda sa mga lokal na ginaganap sa County ng L.A. upang magrehistro ng mga tao upang makaboto.
Ang pangkat ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante ay nagkakaloob sa 5.9 milyon na karapat-dapat na mga botante sa County ng Los Angeles ng mga pagkakataon sa pagpaparehistro ng botante at mga materyal sa edukasyon ng botante. Sa buong taon, ang pangkat ay iniimbitahan sa maraming mga ginaganap na pangkomunidad, mga palihan at mga talakayan kung saan sila ay sumasagot sa mga katanungan na may kaugnayan sa mga halalan habang nagsasagawa ng mga kampanya sa pagpaparehistro ng botante at namamahagi ng mga materyal sa pagboto.
Ang pangkat ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante ay patuloy na naghahangad na makipagtulungan sa mga grupong pangkomunidad at mga di-nagtutubong organisasyon upang mapalawak ang kanilang kakayahan na magkaloob ng mga serbisyo sa mga mamamayan ng County ng Los Angeles. Ang mga miyembro ng pangkat ay nagkakaloob ng pagsasanay, patnubay at mga materyal sa mga grupong iyon na interesado sa pagsasagawa ng kanilang sariling mga kampanya sa pagpaparehistro.
Ang RR/CC ay madalas na nagtatrabahong kasama ng mga sumusunod na grupong pangkomunidad at di-nagtutubong organisasyon:
- Kapisanan ng mga Retiradong Amerikano (AARP)
- Sentro ng Asyano Pasipiko Amerikanong Mambabatas (APALC)
- Alyansa ng Hustisya
- Sining para sa L.A.
- Pangkalahatang Layunin ng California
- Proyekto ng Partisipasyon ng California
- Koalisyon ng Komunidad
- Mga Pamilyang Kaya
- Pagpupunyagi ng Loobang Lunsod
- Sentro ng Tagapagdulot Koreano
- Liga ng mga Botanteng Kababaihan
- Nasyonal na Kapisanan ng mga Nahalal at Nahirang na Opisyal na Latino (NALEO)
- Ibilang ang Inyong Boto
- Botong Latino
- Sentro ng Komunidad na Pagunlad ng Thai
Ang RR/CC ay madalas na nagtatrabahong kasama ng mga sumusunod na institusyon ng mas mataas na edukasyon:
- California State University (Unibersidad ng Estado ng California), Los Angeles (CSULA)
- California State University (Unibersidad ng Estado ng California), Northridge (CSUN)
- East Los Angeles College (Kolehiyo ng Silangang Los Angeles) (ELAC)
- University of California (Unibersidad ng California), Los Angeles(UCLA)
- University of Southern California (Unibesidad ng Hilagang California) (USC)
Pagsasanay ng Kinatawang Tagapagrehistro
Upang itaguyod at pasiglahin ang mga pagpaparehistro ng botante, ang RR/CC ay nagsasagawa ng pagsasanay ng Kinatawang Tagapagrehistro para sa mga interesadong mamamayan at organisasyon upang magrehistro ng mga botante at magsagawa ng mga kampanyang petisyon.
Ang programang ito ay iniaalay sa publiko nang libre. Ang mga kinatawang indibidwal ay pinahihintulutan na magrehistro ng mga botante kahit saan sa loob ng county.
Ang mga paksa ay magsasama ng mga wastong paraan at pamamaraan ng pagpaparehistro ng mga botante, pagtulong sa mga manghahalal sa pagkumpleto ng mga porma ng pagpaparehistro ng botante, at mga mahahalagang Kodigo sa Halalan ng California na may kaugnayan sa mga iniaatas sa pagpaparehistro. Ang mga kalahok ay tatanggap ng kopya ng "Ang Patnubay sa Pagrehistro ng mga Botante" at isang Sertipiko ng Kinatawang Tagapagrehistro ng mga Botante pagkatapos matagumpay na makumpleto ang isang oras at kalahating programa sa pagsasanay.
Ang mga sesyon sa Sertipikasyon ng Pagsasanay ng Kinatawang Tagapagrehistro ay ginaganap sa opisina sa Norwalk ng Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County na matatagpuan sa 12400 Imperial Hwy, Norwalk CA, Room 5219.
Kung ikaw o ang iyong organisasyon ay interesado sa paglahok sa libreng programang ito sa pagsasanay o may mga katanungan, tawagan ang seksyon ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante sa (562) 345-8364.
Salamat sa inyong pakikipagtulungan at tulong sa aming mga pagsisikap na magkaloob ng maginhawa at episyenteng mga serbisyo sa pagpaparehistro ng botante sa mga residente ng County ng Los Angeles.
Mga Seremonya sa Pagiging Bagong Mamamayan
Ikinararangal ng pangkat ng Pakikipag-ugnayan ng Komunidad at Botante na regular na nakakadalo sa mga seremonya ng naturalisasyon sa County ng Los Angeles upang hikayatin ang mga bagong mamamayan na magparehistro upang makaboto.
Ang isang bagong mamamayan na nagpaparehistro upang makaboto pagkatapos ng pagsasara ng pagpaparehistro ay magiging karapat-dapat pa rin na makaboto sa darating na halalan sa kondisyon na ang taong iyon ay nagharap ng katunayan ng pagiging mamamayan sa opisyal sa mga halalan ng county at ipahayag na siya ay nagtatag ng tirahan sa County ng Los Angeles.
Kung ikaw ay malapit nang lumahok sa isang seremonya ng naturalisasyon, abangan ang mga tauhan ng Pakikipag-ugnayan ng Komunidad at Botante ng RR/CC. Maaari kang magparehistro upang makaboto, kumuha ng kaalaman tungkol sa iyong mga mapipili bilang isang bagong botante at kumuha ng mga sagot sa iyong mga katanungan sa pagboto.
Mga Pagtatanghal ng Kagamitan sa Pagboto
Ikaw man ay isang unang-pagkakataong botante o isang taong laging nag-iisip tungkol sa kagamitan sa pagboto sa County ng Los Angeles, ang mga pagtatanghal ng kagamitan sa pagboto ay lubos na makakatulong. Bagaman ang mga manggagawa sa botohan sa inyong lugar ng botohan sa Araw ng Halalan ay makakapagbigay sa iyo ng maikling pagtatanghal ng kung paano ginagamit ang kagamitan sa pagboto, ang pag-aaral kung paano gamitin ang tagarekord ng boto nang maaga ay angkop na angkop.
Upang gawing pamilyar ang mga karapat-dapat na botante sa kagamitan sa pagboto na gagamitin nila sa Araw ng Halalan, ang pangkat ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante ay pangkaraniwang gumagawa ng mga tuwirang pagtatanghal ng kagamitan.
Kapag hiniling, ang pangkat ay magtatatag at magtatanghal ng kagamitan sa pagboto sa mga pampublikong pagtitipon at mga talakayan sa komunidad.
Sa mga pagtatanghal ay kabilang ang:
- Pagtatatag ng isang lugar ng botohan
- Paggamit ng InkaVote na mga tagarekord ng boto
- Paggamit ng mga Tagabasa ng Balota sa Presinto (PBRs)
- Paggamit ng mga Kubol ng Balotang Audio (ABBs)
Kung ikaw o ang iyong organisasyon ay may kahilingan sa mga pagtatanghal ng kagamitan sa pagboto, tawagan ang seksyon ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante sa (562) 345-8365.