Skip to Content

Hanapin ang Aking Impormasyon sa Halalan

Pangkalahatang-ideya ng Halalan

  • Magsasagawa ang California ng Pambuong Estadong Espesyal na Halalan sa Martes, ika-4 ng Nobyembre, 2025.
  • Ipinatawag ng Lehislatura ng California ang halalang ito sa pamamagitan ng batas na nagmumungkahi ng isang susog sa konstitusyon na pagkatapos ay nilagdaan at naging batas ng Gobernador.

Panukala ng Estado 50

  • Ano ito: Isang susog sa konstitusyon na nagpapahintulot sa mga pansamantalang pagbabago sa mga hangganan ng kongresyonal na distrito ng California hanggang 2030.
  • Ano ang kahulugan nito para sa mga botante: Kung maipasa, ang ilang botante ay maaaring italaga sa ibang distrito ng Mababang Kapulungan ng Estados Unidos sa mga susunod na halalan (kabilang ang 2026).
  • Ano ang hindi nito ginagawa: Hindi nito binabago ang pagiging karapat-dapat bilang botante, pagpaparehistro, o mga opsyon sa pagboto.

Mga Resulta ng Halalan

Pagtatapos ng Opisyal na Pagbilang ng mga Boto (Pagbilang ng mga Boto)

Ang pagproseso at pagbilang ng mga balota ay hindi nagtatapos sa Gabi ng Halalan. Pagkatapos ng Gabi ng Halalan, marami pang mga natitirang balota ang kailangang iproseso at bilangin sa Opisyal na Pagbilang ng mga Boto ng Halalan.

Sa loob ng 30-araw na Opisyal na Pagbilang ng mga Boto ng Halalan, lahat ng mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na may tatak ng petsa ng koreo hanggang sa Araw ng Halalan at natanggap sa loob ng pitong (7) araw, kasama ang mga Kundisyonal at Probisyonal na mga balota na natanggap sa Araw ng Halalan, ay ipoproseso at patutunayan. Kapag napatunayan na, ang mga ito ay bibilangin. Ang mga resulta ng halalan ay nakatakdang sertipikahan sa ika-2 ng Disyembre, 2025.

Pagpaparehistro ng Botante para sa Mga Naapektuhan ng Malakihang Sunog

Kung pansamantala kang nawalan ng tirahan dahil sa mga nakaraang malakihang sunog, hindi mo na kailangang baguhin ang iyong rehistrasyon bilang botante. Maaari mong patuloy na gamitin ang iyong permanenteng tirahan (tahanan) at magdagdag ng pansamantalang pangkoreo na address upang matanggap ang iyong mga materyales sa pagboto habang wala sa tahanan.

Alamin pa ang iba sa LAVOTE.GOV/RECOVERY.
Icon - Close