KASAYSAYAN
Noong 2006, ipinasa ang isang pederal na batas, na nagpapalawig ng mga tadhana sa minoryang wika ng Batas ng mga
Karapatan sa Pagboto (VRA) ng 1965. Alinmang county na may higit sa 10,000 residente na ang katutubong wika ay hindi
Ingles at nagpabatid sa kanilang porma ng Sensus ng Estados Unidos ng kawalan ng kasanayan sa Ingles, ay inaatasang
magkaloob ng mga materyal sa halalan sa mga tinukoy na wika. Ang isang wika ay itinuturing na saklaw ng VRA bilang
sapilitan para sa isinaling mga materyal sa halalan ng County kung (1) higit sa 5% ng mga mamamayan na nasa edad na
makakaboto ay mga miyembro ng iisang wikang minorya at limitado ang kasanayan sa Ingles O (2) higit sa 10,000 ng
mga mamamayan na nasa edad na makakaboto ay mga miyembro ng iisang wikang minorya at limitado ang kasanayan
sa Ingles.
MGA IPINAG-UUTOS NA WIKA
Ang County ng Los Angeles ay kasalukuyang inaatasan na magkaloob ng mga sumusunod na tulong sa wika sa mga
botanteng saklaw ng VRA bilang karagdagan sa Ingles:
•Tsino
•Hindi
•Hapon
•Khmer
•Koreano
•Espanyol
•Tagalog/Filipino
•Thai
•Biyetnamis
 
MGA SERBISYO
Ang mga Serbisyo sa Botante sa Iba't-ibang Wika ng County ng Los Angeles ay itinatag upang magkaloob ng mga serbisyo
sa mga botanteng nangangailangan ng tulong sa wika. Ang mga serbisyong ito ay kabilang ang:
    - Isinaling mga Materyal sa Halalan
 
    Ang isang isinaling librito ng halimbawang balota ay ipapakoreo sa mga botanteng humiling ng mga materyal sa wika.
    Ang isang librito ng halimbawang balota ay naglalaman ng isang listahan ng mga kandidato, impormasyon tungkol
    sa kandidato at mga panukala, at nagkakaloob ng impormasyon tungkol sa kung saan dapat bumoto, paano humiling
    ng isang balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo, at tagubilin kung paano dapat gamitin ang kagamitan sa
    pagboto.
    
    - Tulong sa Dalawang Wika sa Lugar ng Botohan
 
    Ang mga botanteng limitado ang kasanayan sa Ingles ay makakatanggap ng tulong sa kanilang wika, sa Araw ng
    Halalan, sa karamihan ng mga lugar ng botohan sa buong County.
    - Tuwirang Linya ng Tulong sa Dalawang Wika: 1- 800- 481- 8683
 
    Ang mga botante ay maaaring tumawag sa isang walang bayad na numero upang humiling na ipakoreo sa kanila ang
    isinaling mga materyal sa bawat halalan. Sila ay makakatanggap din ng impormasyon tungkol sa o humiling ng mga
    lokasyon ng lugar ng botohan, mga kard ng pagpaparehistro ng botante sa dalawang wika, isinaling aplikasyon para
    sa pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo at mga librito ng halimbawang balota.