Skip to Content

Palakasin ang Demokrasya kasama ang mga Beterano at Pamilyang Militar

Drop Box

Hindi Kailangang Matapos ang Serbisyo Pagkatapos ng Panahon sa Tungkulin

Maligayang pagdating sa mga halalan sa County ng Los Angeles, kung saan ang kagitingan ng mga beterano at kanilang mga pamilya ang pundasyon ng isang umuunlad na demokrasya. Ang iyong pangako sa ating bansa ay humihigit pa sa unipormadong serbisyo. Halika at tulungan kaming protektahan ang mga haligi ng kalayaan, at ang aming prosesong elektoral, sa pamamagitan ng iyong boses at pakikilahok.

Handa nang Maglingkod Muli? Maging isang Manggagawa sa Halalan!

MAG-APLAY NGAYON

Ang karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan ay makukuha sa Pahina ng Mga Manggagawa sa Halalan ng Komunidad.

Ang karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan ay makukuha sa Pahina ng Mga Manggagawa sa Halalan ng County.

Bakit mga Beterano ang mga Tamang Kandidato

Ang mga beterano at kanilang mga pamilya ay nagtataglay ng walang kapantay na hanay ng kasanayan na umaayon sa mga gawaing ginagampanan ng mga manggagawa sa halalan. Ang iyong mga karanasan ay nagpahasa sa iyong disiplina, matalas na mata para sa detalye, pamumuno, kakayahang umangkop, at hindi natitinag na pangako. Tulad ng dati mong paninindigan para sa ating bansa sa mga frontline, ngayon ay tumayo kasama namin bilang isang tagapagtanggol ng demokrasya.

Mag-aplay para maging isang Manggagawa sa Halalan at magpatuloy sa paggawa ng pagbabago sa pamamagitan ng serbisyo!

Pagkakaisa ng Puwersa para sa Demokrasya

Ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa Kami ang Mga Beterano (We The Veterans), isang nakatuong organisayong di-nagtutubo, at sa Departamento ng Mga Gawaing Militar at Beterano, upang aktibong mangalap ng mga beterano at kanilang mga pamilya bilang mga manggagawa sa halalan. Sama-sama, tayo ay nasa isang misyon na gamitin ang iyong dedikasyon at karanasan sa pagtataguyod ng integridad ng ating mga halalan.

Mga mapagkukunan


Icon - Close