Skip to Content

Kondisyunal na Pagpaparehistro ng Botante

Conditional Voter Registration

Ang mga kwalipikadong residente ng County ng Los Angeles na hindi nakarating sa huling araw ng pagpaparehistro ng halalan ay maaari pa ring bumoto sa anumang Sentro ng Pagboto sa County ng L.A. Sa ilalim ng Batas ng Halalan ng California, pinapayagan ang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante (CVR) para sa isang potensyal na botante na magparehistro at bumoto nang may kondisyon.

Paano ito gumagana:

  • Maaaring pumunta ang sinumang botanteng kuwalipikadong bumoto sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County sa loob ng 11-araw na panahon ng pagboto.
  • Pagdating sa Sentro ng Pagboto, kukumpletuhin ng kuwalipikadong botante ang aplikasyon para sa CVR (Kondisyunal na Pagpaparehistro ng Botante).
  • Pagkatapos, bibigyan ang botante ng balota para sa CVR na dadalhin niya sa bagong Kagamitang Pangmarka ng Balota na ganap na naa-akses ng lahat ng botante.
  • Mananatiling pareho ang karanasan ng botante sa pagbabasa at pagmamarka ng kanyang balota. Gayunpaman, pagkatapos mailimbag ng botante ang kanyang papel na balota, sasabihan siyang ibalik ito sa isang Manggagawa sa Halalan.
  • Sa sandaling maberipika ang aplikasyon para sa CVR, bibilangin ang kanyang balota at magiging aktibo ang kanyang pagpaparehistro bilang botante.
  • Pagkatapos nito, maaari nang bumoto ang botante sa anumang susunod na halalan kung saan siya ay kuwalipikadong lumahok.

Malayuang Kondisyunal na Pagpaparehistro ng Botante

Ano ang malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante?

Ang Malayuang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante ay nagbibigay-daan sa ilang botanteng hindi nakapagparehistro bago ang itinakdang 15-araw na takdang petsa bago ang halalan na kumpletuhin nang malayuan ang pagpaparehistro at pagboto gamit ang pansamantalang balota, simula 14 na araw bago ang halalan.

Kwalipikado ba akong gumamit ng malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante?

Ang mga botanteng militar at nasa ibang bansa at mga botanteng may kapansanan ay maaaring kumpletuhin ang malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante, at bumoto ng probisyonal na balota ng malayuan. Ang serbisyong ito ay para sa mga botanteng nasa nabanggit na kategorya na hindi nakarehistro at hindi makakapunta sa Sentro ng Pagboto sa panahon ng personal na pagboto. Kung ikaw ay kasalukuyang rehistradong botante, hindi na kailangan ang serbisyong ito at maaari kang bumoto gamit ang malayuan na pagboto sa pamamagitan ng koreo sa pamamagitan ng pagpunta sa lavote.gov/ravbm.

Mga hakbang upang makumpleto ang malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante

Hakbang 1: Beripikahin ang iyong rehistrasyon

Kung ikaw ay rehistradong botante na, hindi na kailangang gamitin ang serbisyong ito. Para beripikahin ang iyong rehistrasyon, i-click dito. Kung ikaw ay nakarehistro, maaari kang bumoto nang normal sa pamamagitan ng koreo, personal, o gamit ang malayuang naa-akses na balota ng Pagboto sa pamamagitan ng Koreo (RAVBM) at laktawan ang mga natitirang mga hakbang sa ibaba.

Hakbang 2: Magparehistro online

  • I-click dito upang magparehistro online. Pakitandaan ang numero ng rehistrasyon na ibinigay sa iyo, na makakatulong sa amin na mapabilis ang pagproseso ng iyong rehistrasyon.
  • Kung wala kang Lisensiya ng Pagmamaneho sa California o ID, kailangan mong ilimbag, pirmahan, at ipadala ang porma ng rehistrasyon.
  • Dapat mong isama ang iyong email sa porma ng pagpaparehistro
  • Kung hindi ka nagbigay nang kinakailangang pagkakakilanlan sa oras ng iyong pagpaparehistro, maaaring ikaw ay unang beses pa lamang na bumoboto at kinakailangan mong magpakita ng patunay ng paninirahan.

Hakbang 3: Ipagbigay alam sa aming opisina na nais mong bumoto ng pansamantalang balota gamit ang malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante

Ayon sa mga regulasyon ng Estado, upang maproseso ng aming opisina ang iyong malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante, kailangan mo kaming abisuhan. I-click dito para ipaalam sa aming opisina na nais mong gamitin ang serbisyong ito.

Hakbang 4: Bumoto ng balota nang malayuan

Makikipag-ugnayan ang aming opisina sa iyo pagkatapos mong ipaalam sa amin na nais mong bumoto ng pansamantalang balota gamit ang malayuang kondisyunal na pagpaparehistro ng botante. Magbibigay kami ng mga tagubilin, kabilang ang kung paano kumpletuhin ang malayuan na madaling ma-akses na balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Icon - Close